MURIT

MURIT
LOL'Z

CHAT TAYO!


Saturday, June 27, 2009

Ang Aking Munting Tula


"KAIBIGAN"


Konting oras na lamang......
Sa pagsisimula ng iyong paglalakbay
Sa bagong landas na iyong tatahakin,
Maraming pagsubok at unos na iyong susuungin.

Pero sa kabila ng lahat ng ito naniniwala ako sa kakayahan mo,

Dahil isa kang dakilang tao.

Ngunit sa panahon na kailangan mo ng karamay.....
Para makinig sa iyong mga suliranin

Para aliwin ka kung ikaw ay nalulumbay at alagaan ka,
katulad ng pagaalaga mo sa akin.


Ikaw ang aking lakas at inspirasyon.

Ang bigay sa akin ng Maykapal.

Mga ala-ala na ating pinagsamahan
Ang tanging ala-ala na aking paka-iingatan.


Nakakalungkot dahil mahabang panahon na tayo'y magkakalayo,

Pero hindi hadlang ang panahon upang mabago ang pagtingin ko sa'yo. Dahil ang KAIBIGAN tulad mo ay parang ginto na dapat minamahal at iniingatan.
Maraming salamat sa pagdating mo sa aking buhay....

Hanggang sa muli paglalakbay "KAIBIGAN."


No comments: